Campus

LIBRENG MATERYALES PAMPAGKATUTO AT PAMPANANALIKSIK HANDOG NG PHL CHED CONNECT

/ 7 August 2020

ANG PHL CHED CONNECT ay isang libreng online, open educational resources platform, na naglalaman ng mga artikulo, pananaliksik, bidyo, at maraming mga materyales na magagamit sa pagtuturo, pagkatuto, at pananaliksik.

Ito ay binuo para sa mga mag-aaral at mga guro upang libre nilang mabasa ang ilang mga pangunahin at supplemental na mga tekstong makatutulong sa panahon ng new normal. Dahil ang akses ay umaabot sa mga pamantasan sa labas ng bansa at bukas ito sa mga kontribusyon, nakikita rin ito bilang isang susi sa pagpapataas ng kalidad ng edukasyong tertsiyarya sa Filipinas.

Tinutugunan ng PHL CHED CONNECT ang suliranin sa kahirapan sa akses sa mga piling dyornal na nangangailangan ng subskripsiyon at nagmimistulang panggabay para sa isahan o indibidwal na oras ng pag-aaral – “support learner-centered, self-directed, peer-to-peer, and social or informal learning approaches”.

Sa kasalukuyan ay mayroon na itong 1,330 na nilalaman, 1,356 PDF, 353 bidyo, at 18 na Higher Education Institute Contributors.

Nahahati ang mga materyales sa mga sumusunod na kategorya: Agriculture, Forestry, Fisheries (62), Architecture and Town Planning (21), Business Administration and Related (171), Education Science and Teacher Training (115), Engineering and Technology (101), Fine and Applied Arts (7), General Education (154), Home Economics (9), Humanities (124), IT and Related (235), Criminal Justice Education (31), Maritime (18), Mass Communication and Documentation (8), Mathematics (178), Medical and Allied (107), Natural Science (171), Religion and Theology (8), Service Trades (9), Social and Behavioral Sciences (286), Trade, Craft and Industrial (20), Others (43), Flexible Learning Strategies (16), Open Access Books (698), at CHED International Partners (24)

Bisitahin lamang ang phlconnect.ched.gov.ph para ma-download ang mga kailangang basahin at para makapag-ambagdin sa kasalukuyan nitong korpus.