Campus

LIBRENG AKLATANG BAYAN MATAGUMPAY NA INILUNSAD NG SENTRO NG WIKANG FILIPINO

/ 9 September 2020

MATAGUMPAY na inilunsad ng Sentro ng Wikang Filipino – Unibersidad ng Pilipinas Diliman ang libreng aklatang bayan para sa mga mag-aaral ng wika, panitikan, malikhaing pagsulat, lipunan, at iba pang paksa, kasama ang mga batikang awtor, manunulat, mananaliksik, propesor sa iba’t bang dako ng Filipinas.

Ang Aklatang Bayan ay isa sa mga proyektong pinangangasiwaan ng SWF sa pamumuno ng masigasig na direktor  at propesor  ng Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas na si Dr. Michael Francis Andrada.

Mga PDF version ng mga aklat, pananaliksik, pag-aaral, at malikhaing produksiyon ang mababasa at mada-download mula sa Aklatang Bayan.

Ayon sa SWF, ito ay ang pagtugon ng kanilang tanggapan sa panawagan ng mga iskolar, mananaliksik, guro, at manunulat na nagnanais magbahagi ng kanilang mga manuskrito – libre para sa lahat.

Gayundin, ito ay akademikong tulong ng SWF sa sinumang mag-aaral na nais magpayaman ng sarili sa pamamagitan ng patuloy na pag-aaral sa kalagayan ng lipunan.

Ang kalakhang pondo ng pagtataguyod ng aklatang bayan ay mula sa Opisina ng Tsanselor ng UP Diliman sa pamumuno ni Tsanselor Fidel Nemenzo.

Narito ang mga inilunsad na mga akda:

  1. Awit ng Bakwit ni Vijae O. Alquisola
  2. Obhetibong Kritisismo ni Danilo A. Arao
  3. Kritikang Rehiyonal ni John E. Barrios
  4. Hindi Lang Basta Bata ni Emmanuel Jayson V. Bolata
  5. Hindi Lamang Salita ni Emmanuel V. Dumlao
  6. Kontra: Mga Sanaysay sa Metakritisismo ni U Z. Eliserio
  7. Pop Lab ni Vladimeir B. Gonzales
  8. Lunduyan: Kaparangan ng mga Alaala ng grupong LAMBAT
  9. Zine/Thesis ni Jokkaz SP. Latigar
  10. Pira-pirasong Pilas: Mga Tula ni Liberty A. Notarte-Balanquit
  11. Mga Piling Tala ng Isang Blogger ni Raymond V. Palatino
  12. Hindi Ito Romansa ni Chuckberry J. Pascual
  13. Mga Bantay-Salakay sa Loob ng Aking Bahay ni Carlos M. Piocos III 14. Pasingaw ni Rommel B. Rodriguez
  14. 50: Mga Binalaybay ni Roger Felix Salidtos
  15. Sugat sa Dibdib ng Lungsod ni Soliman A. Santos

Bukod dito, dalawang dyornal din ang kasabayang binuksan sa publiko – ang Agos, tipanan ng mga malikhaing akdang pampanitikan at Daluyan, ang dyornal ng wikang Filipino.

AGOS: REFERRED  JOURNAL NG MALIKHAING AKDANG PAMPANITIKAN

DAGLI

  1. Jomar Gonzales Adaya
  2. Christopher Bryan Concha 3. Ignacio V. Dagisan
  3. Andyleen Feje
  4. Kenneth Ian Matthew Hernandez 6. Geraldine Gentozala Juachon
  5. Andre Magpantay
  6. Joanna Marie L. Martirez
  7. Ronnel Talusan
  8. Roi Yves H. Villadiego

TULA

  1. Rene Boy Abiva
  2. Ryan Cezar O. Alcarde
  3. Paterno Baloloy Jr.
  4. Christian Jil R. Benitez
  5. Ma. Cecilia de la Rosa
  6. John Mark Jacalne
  7. John Christopher DG Lubag 8. Rex Sandro Nepomuceno 9. Romeo Palustre Peña
  8. Rod Anthony A. Robles

MAIKLING KWENTO

  1. Cris R. Lanzaderas
  2. Jimmuel C. Naval
  3. John Leihmar C. Toledo

SANAYSAY

  1. Ferdinand Pisigan Jarin
  2. Jason F. Pozon
  3. Raymund P. Reyes
  4. Elyrah L. Salanga-Torralba

DALUYAN: JOURNAL NG WIKANG FILIPINO

  1. Ana Isabel Caguicla (UP Baguio)
  2. Dexter Manzano (Tarlac State University)
  3. Reginaldo Cruz (UP Diliman)
  4. John Leihmar Toledo (UP Los Baños)
  5. Maria Margarita Baguisi (De La Salle University)
  6. Joanne Manzano (DFPP UP Diliman)
  7. E. San Juan (University of Connecticut at Bowling Green State University)

Bisitahin ang https://swfupdiliman.org/ para maakses ang mga babasahin. Hindi kinakailangang magparehistro, bagaman hinihikayat ang sinuman na magpatala para makatanggap ng mga update at bagong mga akda sa kani-kaniyang mga email.

Ang SWF ang natatanging institusyon sa UP Diliman na nangunguna sa pagtataguyod ng wikang Filipino bilang midyum ng pagtuturo, saliksikin, at publikasyon, at opisyal na komunikasyon sang-ayon sa katuturan ng Seksiyon 6 at 7, Artikulo XIV ng Saligang Batas 1987.