LIBRARY NG LETRAN NASUNOG
NASUNOG ang bahagi ng library ng Colegio de San Juan de Letran sa Legaspi Street sa Intramuros, Manila City nitong Mayo 29.
Batay sa sketchy report, nagsimula ang sunog alas-2 ng hapon sa mezzanine level ng college library.
Agad namang rumesponde ang mga kagawad ng Bureau of Fire Protection habang walang naitaas na alarma para magdagdag ng manpower ang emergency response teams.
Sa ulat ng BFP-National Capital Region, agad ding idineklara ang fireout alas-2:05 ng hapon habang tatlong fire trucks at isang ambulansiya ang rumensponde.
Dahil sa insidente, sinuspinde ang klase at mga school work sa nasabing kolehiyo.
Sa Facebook post, inanunsiyo ng Colegio de San Juan de Letran na ligtas ang nasabing paaralan at tuloy ang baccalaureate mass sa May 30 ng hapon.