‘KPOP, CARDO DALISAY PROFILE PICTURES’ NG LEARNERS SAKIT SA ULO NG MGA GURO
SA KASAGSAGAN ng paghahanda ng mga guro sa Munoz National High School sa Nueva Ecija para sa blended learning ay naging hamon sa kanila ang profile pictures ng kanilang mga estudyante.
Mismong mga guro na ang dumulog sa mga magulang ng learners hinggil sa problema na dulot na paggamit ng profile picture at Mandarin character at Hangul sa pangalan.
Sinabi ng Math teacher na si Mrs. Santos na nakadagdag sa sakit ng ulo nila ang mga entry ng mga estudyante na gumagamit ng pabaligtad na baybay ng pangalan.
Gayundin ang pangalan at larawan ng kanilang iniidolong Korean Pop Stars gaya ng Black Pink, BTS at maging si Cardo Dalisay.
Natuklasan ito nang kanilang ilabas ang mga pangalan ng estudyante na kabilang sa 11 Accountancy, Business and Management course sa senior high para sa school year 2020-2021.
Agad namang nag-anunsiyo sa official FB page ang mga guro kung saan nakasaad ang “expect your adviser/ subject teachers to reach you out on Facebook/messenger one of these days.”
Babala pa ng faculty ng paaralan, hindi maia-add kung pabaligtad ang spelling o sa wikang Mandarin/Hangul nakasulat ang pangalan ng learners sa FB.
Nanawagan din ang paaralan sa learners na palitan ang “Works at Krusty krab/“Works at Edi Sa Puso Mo” dahil wala ka naman sa puso niya.