KADETENG NAGNAKAW NG 5 PIRASONG UBAS PINARUSAHAN, NANATILI PA RIN SA PMA
PANIBAGONG kontrobersiya na naman ang kinaharap ng Philippine Military Academy nang umingay ang kanilang desisyong panatilihin at huwag patalsikin si Cadet 3rd Class Desemore Guillermo matapos mapatunayang nagkasala sa pagnanakaw ng limang pirasong ubas mula sa pridyider ng mga senior cadet.
PANIBAGONG kontrebersiya na naman ang kinaharap ng Philippine Military Academy nang umingay ang kanilang desisyong panatilihin at huwag patalsikin si Cadet 3rd Class Desemore Guillermo matapos mapatunayang nagkasala sa pagnanakaw ng limang pirasong ubas mula sa prigider ng mga senior cadet.
Umamin umano at nagpasa ng liham-pagbibitiw si Guillermo matapos ang insidente, subalit hindi ito tinanggap ng pamunuan ng PMA. Sa halip, nitong Martes ay lumabas sa midya na hinatulan lamang siya ng 51 demerit points, 180 oras na punishment tours at 180 araw ng confinement sa loob ng kuwartel.
Mariin itong kinuwestiyon ng ilang alumni ng PMA. Ayon sa kanila, ang sinumang magnanakaw ay nararapat patawan ng dismissal. Ang desisyon ng akademya ay labag umano sa Honor’s Code.
Samantala, dinepensahan naman ng PMA ang pagpapasiya. Ayon sa tagapagsalitang si Maj. Cheryl Tindog, sa isang pahayag: “Ito pong recent honor case ng isa po nating cadet, just like all honor cases in the PMA, has also gone through the due process, the honor committee, and the board of senior officers of the PMA. They had reviewed, resolved and recommended what they deemed are the right actions to be taken.”
Idiniin ni Tindog na hindi nahaluan ng anomang politika ang sinapit ni Guillermo.