Campus

‘IDOL’ KO SI SIR ARTHUR

/ 17 October 2020

VIRAL ngayon sa Facebook ang retrato ni Teacher Arthur Abella ng Cayetano Arellano High School matapos siyang pasalamatan ng isa sa kaniyang mga estudyante dahil sa hindi matatawaran niyang kakisigan sa pagtuturo kahit na siya’y nasa loob ng isang computer shop.

Ayon kay Xyzeia Nicole, “Salute to all teachers na lumalaban for new normal. Alam po namin na ‘di lang kami ang nahihirapan para mag-adjust sa distance learning. [Para] ito kay Sir Arthur Abella. Imagine, nagtuturo siya sa loob ng computer shop para lang may matutunan ‘yung mga student niya. How so lucky that you have a teacher na gagawin ang lahat para lamang makapagturo kahit na may Covid19 na lumalaganap sa kasalukuyang panahon.”

Sinusugan ito ng ilan niyang kamag-aral na tinatawag na ‘idol’ si Sir Arthur.

“I salute you”, “Yan ang lodi”, ang sambit nina Francin Pregonero at Maurice Laxamana.

Si Sir Arthur ay bahagi ng Technology and Livelihood Education – Vocational Department na patuloy na nagpupursige upang masigurong ang lahat ng kaniyang mga mag-aaral ay patuloy na makatatanggap ng dekalidad na edukasyon sa gitna ng krisis pangkalusugan.

Ang naturang post ay mayroon nang higit sa 14K reactions, 549 comments, at 7.1K shares.

Basahin ang post ni Xyzeia rito: https://www.facebook.com/xyzeia.nicole.9/posts/169085594814520.