Campus

GUSALI NG ATENEO DE DAVAO CITY NASUNOG

/ 24 August 2020

LIGTAS ang mga tauhan ng Ateneo De Davao City mula sa pagkasunog ng isang gusali.

Ayon sa source ng The POST alas-10 ng gabi nang makita ang pagliyab sa roof top ng 7th Hall.

Dahil rooftop ay agad itong napansin ng mga tauhan ng  Bureau of Fire Protection sa Davao City na mabilis na rumesponde.

Sa inisyal na resulta ng arson investigation, matandang kawad at faulty wiring ang umano’y sanhi ng sunog.