Campus

GURO SA MUNTINLUPA SCIENCE HIGH SCHOOL MAY ‘MUNTING DONASYON’

/ 2 July 2021

KUNG patok ang community pantry sa Maguinhawa Street, Quezon City, may ibang bersiyon naman ng relief project para ibsan ang dagok ng pandemya sa Muntinlupa City.

Ramdam ni Teacher Raymond Lipa ng Muntinlupa Science High School ang mga paghihirap ng kapwa dahil sa Covid19 pandemic.

Mulat siya na marami ang nawalan ng trabaho, kabuhayan, at mga mahal sa buhay.

Kaya inilunsad niya ang inisyatibong “Munting Donasyon”, isang relief project na layong tulungan ang mga pamilyang lubhang naapektuhan ng enhanced community quarantine sa kanilang barangay.

“I have not let the difficulties I experienced hinder me from also helping out other people in times of crisis. I have always believed that we cannot wait in helping those in need until we are wealthy, the time is always now. It always puts a smile on my face when I know I have done all that I can to help,” sabi ni Teacher Raymond.

Bukod sa relief programs, tumutulong din si Teacher Raymond sa iba pang mga programa ng MSHS  tulad ng MunSci Online Bayanihan, katuwang ang kanilang Supreme Student Government, feeding programs, at community pantry.

Bilang isang Gender and Development Focal Person, nais din niya na patuloy na protektahan ang kanyang mga estudyante sa gitna man ng distance learning. Mga proyekto, programa, at seminar ang kanyang inilunsad na tumatalakay sa gender violence.