Campus

GRADE 7 PATAY SA SAKSAK NG KAKLASE

/ 21 January 2023

PATAY ang 13-anyos na Grade 7 nang saksakin ng kanyang kaklase sa isang paraalan sa Barangay Culiat, Quezon City, Enero 20 ng umaga.

Batay sa report ng Station Number 4 ng Quezon City Police, naganap ang pananaksak alas-5:45 ng umaga sa bisinidad ng Culiat High School.

Naisugod sa New Era Hospital ang biktima subalit idineklarang patay ng attending physician ala-6:30 ng umaga dahil sa rami ng saksak sa katawan.

Batay sa imbestigasyon, nagkaroon ng pagtatalo ang biktima na tubong Jolo, Sulu at ang kanyang kaklase na 15-anyos na si alyas Ras.

Bukod sa magkaklase, magkapitbahay rin ang dalawa sa nasabing barangay at ang ugat umano ng away ay selos.

Sa report ni Capt. Anthony A. Dacquel, chief investigation unit ng nasabing police station, sa follow up operations ay naaresto nina PMsg Engelbert Santos at PCpl Ranjay Refran ang binatilyong suspek.