Campus

FILIPINO SIGN LANGUAGE ONLINE COURSE INILUNSAD NG COLLEGE OF SAINT BENILDE

/ 8 September 2020

MAGSISIMULA na ang Online Filipino Sign Language course ng De La Salle College of Saint Benilde School of Deaf Education and Applied Studies para sa mga Filipinong interesadong matuto ng sign language communication at deaf culture.

Mula Setyembre 14 hanggang Disyembre 19, tatlong oras isang linggo, tatagal ang programa na mayroong synchronous at asynchronous sessions.

Video conferencing ang modang gagamitin sa synchronous, habang special digital modules at learning materials naman ang sa asynchronous, na maaaring gawin, sagutan ng mga mag-aaral anumang oras nila naisin.

FSL 1, o Basics of Filipino Sign Language, ang kursong ito na ituturo mismo ng komunidad ng deaf native speakers. Bukod sa wika ay nilalayon din ng programa na kilalanin ang natatanging kultura ng komunidad ng mga bingi at mas maintindihan ang araw-araw nilang pamumuhay.

Nagsimula na ang pagpapatala na magwawakas sa Setyembre 11. Para sa mga nais mag- enroll, bisitahin lamang ang http://bit/ly/OnlineFSLLP o ang kanilang Facebook page, www.facebook.com/DlsCsbSchoolOfDeafEducationAndAppliedStudies.