Campus

ENROLLMENT SA AGRI COURSE SA NEU-RIZAL BUKAS NA

/ 28 May 2023

BUKAS na ang admission para sa Agriculture course sa New Era University Rizal branch.

Inanunsiyo rin ng kanilang College of Agriculture na sa Agosto 14, 2023 ang simula ng klase.

Mananatiling nasa anyo ng blended learning ang pagtuturo sa NEU-Rizal, na ibig sabihin ay nasa porma ng face-to-face at online.

Para sa requirements upang ma-admit sa nasabing unibersidad, maaaring bisitahin ang website ng NEU.