Campus

ELEMENTARY SCHOOL SA DAVAO DE ORO NAGSAGAWA NG DRY RUN SA DISTANCE LEARNING

/ 16 September 2020

NAGSAGAWA ng dry run ang San Miguel Elementary School sa Davao de Oro sa itatakbo ng klase sa nalalapit na pasukan.

Sinimulan na rin ng paaralan na mamahagi ng modules bilang paghahanda sa pagbubukas ng klase sa Oktubre 5.

Siniguro nito na masusunod ang safety protocols kung saan isa sa mga patakaran  bago pumasok ang mga magulang sa eskuwelahan  ay kailangang maghugas ang mga ito ng kamay sa handwashing area.

Kasama sa dry run ang pagbi-brief sa nga magulang sa magiging takbo ng distance learning.

Sa ngayon ay patuloy pa rin ang paghahanda ng eskuwelahan para sa nalalapit na pasukan.

Ang dry run ay proyekto ng Department of Education upang masiguro ang kahandaan ng mga eskuwelahan sa school year 2020-2021.