Campus

DLSU NAGLULUKSA SA PAGPANAW NG ALUMNUS NA SI MIKE ENRIQUEZ

/ 31 August 2023

NAGDADALAMHATI ang De La Salle University community sa pagpanaw ng beteranong brodkaster na si Mike Enriquez, na graduate ng nasabing unibersidad.

Tinawag siyang “beteranong broadcaster, pinuno ng industriya, at Lasallian,” itinampok ng unibersidad ang maraming posisyong hawak ni Enriquez sa loob at para sa komunidad.

“Mike was a proud graduate of De La Salle University (AB-BSC ’73). He served as a member of the University Board of Advisors and received the De La Salle Alumni Association Lasallian Achievement Award in 2007,” ayon sa post ng DLSU.

“He was chairman of the Board of Trustees of La Salle Green Hills, and trustee of De La Salle College of Saint Benilde, De La Salle University-Dasmarinas, De La Salle Medical and Health Sciences Institute, and De La Salle Araneta University. He was also a member of the National Mission Council of De La Salle Philippines,” dagdag pa nito.

Sinundan ng DLSU ang maraming pagpupugay na isinagawa kasunod ng napaulat na pagkamatay ni Enriquez noong Martes.

Nagkaroon ng munting pagpupugay sa German Moreno Walk of Fame sa Quezon City.