Campus

CONFUCIUS INSTITUTE ITATAYO NG MARIANO MARCOS STATE U

/ 15 September 2020

PARA mailapit sa mga Ilokano ang kulturang Tsino, nais ni Mariano Marcos State University President Shirley Agrupis na makapagpatayo ng Confucius Institute na mag-aalok ng mga kursong Mandarin, Chinese Culture, at iba pang General Electives at Service Courses tungkol sa bansang Tsina at lahingTsino.

“This program is to promote the Chinese language and culture in Ilocos Norte, as we plan to support and strengthen the teaching of Mandarin language, aside from facilitating cultural exchanges between the MMSU and some reputable Chinese universities,” wika ni Agrupis sa Philippine News Agency.

Makikiisa ang MMSU sa Chinese Consulate of Laoag para mapabilis ang development ng mga kurso at nakalatag na plano.

Lahat naman umano ng mga programang saklaw ng CI ay tiyak na susuportahan ni Zhou Youbin, ang pinuno ng Chinese Consulate sa Ilocos.

Sa kasalukuyan, 150 ang naka-enroll sa Mandarin classes sa College of Arts and Letters, Department of Languages and Literature. Nakikita ni Agrupis na dodoble ito kapag pormal nang nagbukas ang CI.

Bukod dito ay may balak ding partnership ang unibersidad sa Shandong Province ng China para sa kaunlaran ng kanilang agricultural researches.