CLASSROOMS, MODULES SA TONSUYA ELEMENTARY SCHOOL TINUPOK NG APOY
NASUNOG ang ilang classrooms ng Tonsuya Elementary School sa Barangay Tonsuya, Malabon noong Sabado ng umaga.
Ayon sa mga guro ng paaralan, naabo ang mga nakasalansang modules at iba pang learning materials nang masunog ang mga silid-aralan sa ikatlong palapag ng bagong Building 1 ng nasabing paaralan.
Gayunman, sa ulat ng Bureau of Fire Departmenta-Malabon, umabot lamang sa Alarm 1 ang sunog na naganap alas-10:07 ng umaga noong Marso 27.
Sinabi ni Sr. Inspector Gapasin ng Fire Department II ng BFP-Malabon na sa mabilis na pagresponde ng mga bumbero ay idineklarang under control ang sunog makaraan ang 34 minuto habang alas-10:45 ng umaga ay tuluyang idineklara ang fireout.
Samantala, inamin ni Gapasin na hindi pa nila matukoy ang sanhi ng sunog sa nasabing paaralan.
Wala namang nadisgrasya sa insidente habang hindi pa maidetalye kung magkano ang danyos.
Patuloy namang inaalam ng mga guro kung ano pang mga kagamitan ang nadamay sa sunog bukod sa mga learning module.