CAMSUR POLYTECHNIC COLLEGES STUDENT KAMPEON SA πππππππππππ πππππ ππππ
NAKOPO ng isang estudyante ng Camarines Sur Polytechnic Colleges ang gintong medalya sa Worldskills ASEAN 2025.
Nagbigay ng panibagong karangalan sa bansa si James Cavin Sayago, kumukuha ng Bachelor of Science in Electrical Engineering, makaraang kunin ang ginto sa Electrical Installation sa prestihiyosong WorldSkills ASEAN 2025 Competition.
Ayon sa CSPC, katuwang ni Sayago sa kanyang tagumpay si Engr. Eddie Cabaltera, guro mula sa College of Engineering and Architecture, na nagsilbing mentor at eksperto sa nasabing kompetisyon.
Malaki rin ang naging suporta ng CSPC Competency and Assessment Center ng TESDA, sa pangunguna ni Joseph Illo.
Ang WorldSkills ASEAN ay isang mahalagang kompetisyon na nilalahukan ng ibaβt ibang bansa sa Timog-Silangang Asya upang itampok ang kahusayan ng kabataan sa larangan ng teknikal at bokasyonal na kasanayan.
Layunin nitong paigtingin ang kalidad ng edukasyon, palakasin ang kooperasyon ng mga bansang kasapi, at kilalanin ang mga kabataang may natatanging galing sa kani-kanilang larangan.
Itinuturing ng CSPC ang nasabing tagumpay bilang malaking ambag hindi lamang sa pamantasan kundi maging sa pag-angat ng kakayahan at reputasyon ng mga Pilipino sa pandaigdigang entablado.