Campus

BULACAN STATE U TEACHERS HAHASAIN PARA SA EPEKTIBONG PAGTUTURO

/ 25 November 2020

SA PAGSISIMULA ng ikalawang semestre ngayong taon, ikinasa ng pamunuan ng Bulacan State University ang 2-day Faculty Webinar Version 2.0.

Sa anunsiyo ng unibersidad, ang webinar ay may temang ‘Enhancing the Instructional Capabilities and Productive of the BulSU Academe’.

Hahasain ng speaker na si Dr. Joanne V. Serrano ang mga faculty member sa  ‘Strategies in Planning Assessment for Online/Flexible Teaching and Learning’.

Layunin ng patuloy na webinar na mapalakas pa ang pagtuturo ng mga guro sa kanilang mga mag-aaral gamit ang pamamaraan ng blended learning.

Dahil sa hamon ng blended learning lalo na sa online teaching, kinakailangan ang teknik sa pagtuturo para sa mabilis na pagkaunawa ng mga learner.

Inaasahan din ang inspirational message mula sa pangulo ng BulSU na si Dr. Cecilia S. Navasero-Gascon.

Ang dalawang araw na webinar ay nagsimula noong Nobyembre 25 at magwawakas sa Nobyembre 26.