BULACAN STATE U STUDENTS SINASANAY NA SA GOOGLE CLASSROOM
BILANG paghahanda sa E-Learning, ipinaranas ng pamunuan ng Bulacan State University sa kanilang mga mag-aaral ang actual learning sa pamamagitan ng paglulunsad ng webinar na may apat na serye.
Tinawag ang mga naunang episode na BulSU FLEx…GCTalks na may pagka-millenial para agad matutunan ng mga estudyante.
Layon ng nasabing mga episode na maging pamilyar ang mga estudyante sa G-Suite-Google Classroom at sanayin sila para sa actual E-Learning.
Kabilang sa naging resource speakers sina Dr. Joseline Santos na nagpaliwanag sa Synchronoous at Asynchronous at Remote Print Learning, at Lilibeth Antonio na nag-demonstrate ng mechanics and tools na gagamitin sa Google Classroom.
Para naman sa mga mag-aaral na hindi nakasama sa apat na serye ng webinar ay maaaring silipin ang Facebook page ng BulSU Student Affairs, gayundin ang kanilang official YouTube channel, Bulacan State University Media Relations Office.