Campus

BENILDE NANGUNA SA WEBINAR TUNGKOL SA ONLINE NA PAGTUTURO

/ 6 August 2020

PINANGUNAHAN ng De La Salle – College of Saint Benilde, sa pakikiisa ng Commission on Higher Education, ang serye ng online na sampaksaan para sa mga Filipinong guro na pinamagatang “Learning Online Teaching for the New Normal.”

Layon ng sampaksaan na talakayin ang “nagbagong” papel ng edukasyon sa kaligirang online, gayundin ang pagtukoy sa mga kursong epektibong ihatid sa lapit-blended o online learning. Para mas mapagbuti ang kakayahan at kakanyahan ng mga guro ay nilakipan ito ng palihan sa paggawa ng mga “workable online course” gaya ng content, assignment, quiz, grading, at feedback sa tulong ng Google Classroom.

Inaasahang sa mga susunod na araw ay malalimang pag-uusapan ang isyu ng Data Privacy at Intellectual Property Rights para sa mga guro, magulang, at higit sa lahat, sa kapakanan ng mga mag-aaral.

Nagsimula na ngayon ang serye ng sampaksaan na tatagal hanggang 07 Agosto. Bagaman nagtapos na ang pre-registration, ang live videos ay libre pa ring mapapanood sa Facebook Page ng DLS-CSB. Tumatanggap pa rin sila ng mga huling pagtatala at adjustment para sa mga unibersidad, kaya maaari pang humabol ang iba. Ang tutok din nito ay para sa mga instruktor at propesor sa kolehiyo, gayunpama’y bukas sa lahat ng nais making at matuto.