BATAAN PENINSULA STATE U PASOK SA ‘MOST SUSTAINABLE UNIVERSITY’
KINILALA bilang ikaanim na most sustainable university sa Piipinas ang Bataan Peninsula State University na nasa Balanga City.
Ayon kay BPSU Vice President for Research, Extension, Training Services Dr. Hermogenes Paguia, ang pagkilala sa unibersidad ay mula sa 2022 UI Greenmetric World University Rankings.
Ika-567 naman ang BPSU bilang most sustainable university sa buong mundo.
Sinabi ni Paguia na mas maganda ang performance ngayong taon ng BPSU kumpara noong isang taon, kung saan ika-8 ito sa ranking sa Pilipinas habang ika-737 naman sa buong mundo.
Ang dahilan kung bakit umangat ang ranking ng BPSU ay ang mga nilikha nitong programa na nagbigay proteksiyon sa kapaligiran, gayundin ang mga inisyatiba nito.
Binati naman ni Paguia ang liderato ng unibersidad.