Campus

BALIUAG UNIVERSITY NAG-ALOK NG SCHOLARSHIP SA LEARNERS

/ 28 September 2020

ISANG pribadong unibersidad sa Baliuag, Bulacan ang nag-alok ng scholarship sa natatangi at karapat-dapat na learners sa gitna ng Covid19 pandemic.

Alinsunod sa scholarship program ng Baliuag University na Tulong-Dunong Scholarship, ang mga aplikante ay dapat na may magandang grado at mabuting karakter.

Sinabi ni Cherrylyn Mae Velasco ng BU Tulong-Dunong Scholarship program na sasalain ng konseho ang kwalipikasyon ng learners at tutukuyin kung nararapat na mabigyan ng libreng paaral ng nasabing unibersidad.

Upang maproseso agad ang scholarship grants, dapat magsumite ng kopya ng school ID o iba pang valid government ID na may tatlong specimen signatures sa [email protected].

Hanggang ngayong araw, Setyembre 28, tatanggapin ang applications para sa scholarship habang nilinaw ni Velasco na ang mga matatanggap na e-mail na balido ay hanggang alas-4 ng hapon lamang.

Ang BU ay dating Baliuag Colleges na isa sa pinakamatagal nang unibersidad sa bayan ng Baliuag.

Bagaman nabawasan ang enrollees ngayong taon dahil sa pandemya ay itinuloy pa rin ng unibersidad ang kanilang proyektong Dunong-Tulong sa mga learner.