BAGONG ELEMENTARY SCHOOL BUILDING SA DAVAO CITY BINUKSAN NA
PINASINAYAAN kamakailan ang isang bagong gusali ng Cornelio Reta Sr. Elementary School sa Barangay Sasa, Davao City, Davao Del Sur bilang tugon sa maraming enrollees sa eskwelahan.
Sinabi ni Luhrily T. Baladad, school principal, sa The POST na gagamitin ang gusali sa pamamahagi ng modules sa mga estudyante para sa school year 2020-2021.
Ayon sa kanya, bilang paghahanda ay nagkaroon na rin ng dry-run para sa distance learning noong Agosto 14.
Kasama sa dry-run ang pag-record ng mga anunsiyo para sa mga estudyante at magulang, gayundin ang pamimigay ng modules upang masigurong masusunod ang safety health protocols sa modular distance learning.
Sisimulang ipamahagi ang modules sa Setyembre 16.
Ang proyekto ay naisakatuparan sa tulong ni Davao City Congresswoman Mylene Garcia.
Sinabi naman ni Davao City Second District Rep. Vincent Garcia na kinailangan ang pagpapatayo ng bagong building dahil hindi na kayang i-accommodate ang tumataas na bilang ng mga estudyante.
“There was a need to construct a new buidlong since the enrollment was getting bigger. Main campus (about 600 meters away) only has 14 classrooms and two makeshifts for kindergarten, not the standard size for a kindergarten classroom. It also had no space to accommodate a new building thus the Annex,” pahayag niya sa The POST.
Sa kasalukuyan ay may kabuuang bilang na 1,232 ang enrollees sa Cornelio Reta Elementary School.
Isinagawa ang inauguration at blessing ng annex school building noong Setyembre 8.