Campus

APLIKASYON SA UA&P INSTITUTE OF LAW HANGGANG HULYO 15 NA LANG

/ 12 July 2021

INANUNSIYO  ng University of Asia and the Pacific Institute of Law na sa Hulyo 15 na ang deadline ng pagsusumite ng aplikasyon para sa mga nais kumuha ng kursong abogasya.

Ang mga makakapasang aplikante ay ikatlong batch na para ngayong taon.

Batay sa naka-post sa kanilang Facebook page, dapat isumite ng aplikante ang soft copy ng form sa ilaw#uap.asia.

Ang essay na isusumite ay hanggang 1,000 words lamang, i-email din ang Transcript of Records at kung wala ay proof of collegiate grades/records.

Dahil pandemya, daraan ang mga aplikante sa online interview at malalaman ang resulta ng application sa pamamagitan ng email.

Ang UA&P Institute of Law ay isa sa premyadong unibersidad ng pag-aabogasya.

Kabilang sa unang propesor sa nasabing institusyon si dating Comelec Commissioner Rene V. Sarmiento, na isa rin sa framer ng 1987 Constitution at naging OIC-Presidential Adviser on the Peace Process.

Ang mga itinuturo ni Sarmiento sa UA&P Institute of Law ay Constitutional Law, Human Rights Law at Political Law Review.