Campus

ALLOWANCE NG MGA ESTUDYANTE SA 2 STATE U SA MAYNILA NAIPAMAHAGI NA

/ 21 December 2020

NATANGGAP na ng mga mag-aaral ng dalawang state universities sa Maynila ang kanilang P1,000 monthly allowance.

Nagtungo si Manila Mayor Isko Moreno sa Universidad de Manila para purihin ang pangulo nito na si Malou Tyquia dahil sa maayos na distribusyon ng allowance sa mga mag-aaral.

Habang hindi naman nagustuhan ng alkalde ang pamamaraan ng distribusyon ng allowance sa mga estudyante sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila.

Magugunitang naghintay ng hanggang hatinggabi ang mga mag-aaral ng PLM noong Disyembre 16 kaya humingi ng paumanhin ang alkalde.

Sinasabing iyon ang unang pamamahagi ng monthly allowance habang may ulat na ang mga kawani na nakatalaga sa pamamahagi nito ay ilang oras nahuli ng pagdating.

Ang susunod na distribusyon ng monthly allowance ay pangangasiwaan na umano ng mga pangulo ng dalawang unibersidad.