Campus

5 PH UNIVERSITIES PASOK SA QS WORLD UNIVERSITY RANKINGS

LIMANG unibersidad sa Pilipinas, sa pangunguna ng University of the Philippines, ang pasok sa pinakabagong world rankings ng United Kingdom-based Quacquarelli Symonds (QS).

/ 29 June 2023

LIMANG unibersidad sa Pilipinas, sa pangunguna ng University of the Philippines, ang pasok sa pinakabagong world rankings ng United Kingdom-based Quacquarelli Symonds (QS).

Ang UP ang may pinakamataas na puwesto sa mga unibersidad mula sa Pilipinas sa ika-404, umakyat ng walong puwesto mula sa 2023 survey.

Pumangalawa ang Ateneo de Manila University sa 563, mas mataas sa naunang taon nang pumuwesto ito sa 651-700 range.

Sumunod ang De La Salle University sa 681-690 bracket, at ang University of Santo Tomas sa 801-850.

Pasok din ang University of San Carlos sa Cebu sa unang pagkakataon sa 1201-1400 band.

Sinuri ng QS ang 1,500 institusyon sa bansa base sa academic reputation, citations per faculty, employer reputation, employer outcomes, faculty-student ratio, international faculty, sustainability, employment outcomes, at international research network.

“The results draw on the analysis of 17.5m academic papers and the expert opinions of over 240,000 academic faculty and employers,” pahayag ng higher education information firm.