Campus

5 CLASSROOMS SA MAKATI NASUNOG

/ 9 July 2024

LIMANG silid-aralan ang nadamay sa sunog na tumupok sa San Jose Elementary School sa Barangay Guadalupe Nuevo sa Makati City nitong Sabado.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, umabot sa ikalawang alarma ang sunog na nagsimula alas-4 ng hapon at idineklarang fire out, alas-5:38 ng hapon.

Wala namang nasugatan o namatay sa sunog dahil walang tao sa loob ng paaralan at ang security guard ay sa ground floor ng gusali naka-duty.

Dahil sa insidente, sinuspinde ang national learning camp na nakatakda sa nasabing paaralan, ayon na rin sa school principal.