Campus

3-DAY LENTEN BREAK KINONDENA NG ADAMSON U STUDENTS

/ 29 March 2021

BINATIKOS ng mga estudyante ng Adamson University ang tatlong araw na Lenten break sa unibersidad.

Ayon sa tweets ng mga estudyante, “holy week” at hindi “holy days” lamang.

“hi, my dear adu! i hope ure aware that we’re still waiting for ur further announcements regarding holy week break. holy week po hindi holy 3 days for us to ruminate, u should know that. catholic school po kayo baka nakakalimutan nyo huhu panindigan sana natin ang ideology na ito,” tweet ng isa pang estudyante.

Sabi ng isa pang estudyante, “hell week” ito at hindi “holy week”.

“and they are proud na they are a Vincentian Catholic School ++ we are bombarded of requirements to pass this week and next week parang naging hell week hindi holy week,” nakasaad sa isang retweeted quote post.

“wag naman holy week to hell week adu pls lang,” pakiusap ng isa pang estudyante.

Sa isa namang shared Facebook post, sinabi ng isang estudyante na itinuturing na Catholic school ang AdU subalit walang sapat na oras para ipagdiwang ang Holy Week.

“naol. samantala yung Adamson University, ‘catholic school’ daw, pero walang holy week.”