2 PANG SCHOOL DIVISION OFFICES IPINATATAYO SA BOHOL
ISINUSULONG ni Bohol 2nd District Rep. Erico Aristotle Aumentado ang panukala para sa pagtatayo ng dalawa pang school division offices sa lalawigan.
Sa kanyang House Bill 10002, ipinaalala ni Aumentado na mandato ng Department of Education na protektahan ang karapatan ng lahat ng mamamayan para sa dekalidad na edukasyon sa lahat ng level.
“Basic education shall provide all Filipino children with the skills, knowledge and values needed to become caring, self-reliant, productive and patriotic citizens,” pahayag ni Aumentado sa kanyang explanatory note.
Ayon kay Aumentado, sa ngayon ang lalawigan ng Bohol ay mayroon lamang dalawang school division, ang isa ay city schools division na matatagpuan sa Tagbilaran City at ang isa ay ang provincial schools division kahit nasa 47 ang munisipalidad sa lalawigan.
“The administration and supervision of basic education within the province in both public and private schools has been under the jurisdiction of Schools Division through the Schools Division Superintendent,” diin pa ng kongresista.
Batay sa panukala, ang kasalukuyang schools division ay tututok sa 1st Congressional District habang ang ikalawang schools division ay para sa 2nd Congressional District.
Sa ilalim ng panukala, isasama ng kalihim ng Department of Education ang kinakailangang pondo sa panibagong schools divisions sa ilalim ng kanilang general appropriations act.