Campus

2 IMPRASTRAKTURA ITATAYO SA SULU STATE COLLEGE

/ 2 January 2021

BUONG pagmamalaking inanunsiyo ng Sulu State College ang dalawang imprastrakturang itatayo nito ngayong buwan.

Ayon sa kanilang Facebook post, ang dalawang proyekto ay sa pakikiisa ng Gamma Kappa Phi at ng lokal na pamahalaan ng Jolo sa Mindanao.

“Ending the year with another wonderful news! Two sponsored projects will be given to Sulu State College and will start immediately by January 2021!,” sabi ng SSC.

Ayon sa SSC, ang unang proyekto ay ang konstruksiyon ng bagong waiting shed sa gate ng kolehiyo para makatulong sa mga mag-aaral, kawani, at sa mga residente sa tuwing maghihintay ng masasakyan at nangangailangan ng masisilungan.

Ang waiting shed ay proyekto ng Gamma Kappa Phi sa pamumuno ni Chapter Chairman Al- Muktar Musab.

“We would like to extend our heartfelt gratitude to Gamma Kappa Phi with their Chapter Chairman, Al-Muktar Musab for the act of goodwill. They will construct a waiting shed outside the gate of Sulu State College which will benefit the students, employees and the public,” ayon sa SSC.

Ang ikalawang proyekto naman ay ang pagtatayo ng multipurpose center sa loob ng kolehiyo. Ito’y matagal nang hiling ng mga estudyante, na magkaroon ng espasyong pagsasagawaan ng mga aktibidad, seminar, at palihang sinisimulan sa tuwina. Ngayon ay mapopormalisa na ang naturan dahil  ang multi-purpose center ay sisimulan na ngayong buwan.

Ang sentro naman ay mula sa pondo ng lokal na pamahalaan, sa pamumuno ni Congressman Samier Tan at Mayor Kierkhan Tan.

“We would also like to extend our utmost thanks to Congressman Samier Tan for initiating the construction of multi-purpose center in the college. Together with the collective efforts of the Local Government Unit of Jolo headed by Mayor Kierkhar Tan, Nonoy Pawaki, Chief Construction Division of Region IX and DPWH Region IX, the center will cater different activities of the students and employees of the college,” dagdag pa ng SSC.

Marami mang suliraning kinahaharap ang kolehiyo dahil sa Covid19 ay nagpapasalamat pa rin sila sa biyayang gaya ng nasabing mga proyekto. Labis itong makatutulong sa mga mag-aaral at sa publiko kaya nananabik na silang ang mga ito’y maisakatuparan.