STUDENT CONTRIBUTOR OF THE MONTH: “TARA! IKWENTO MO, ANO ANG BUWAN NG WIKA STORY MO?”

Sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika, inihahandog ng The Philippine Online Student Tambayan ang: "TARA! IKWENTO MO, ANO ANG BUWAN NG WIKA STORY MO?"

10 August 2020

Ikaw ba ay may nakakatawa, nakakatakot, nakakaiyak, weird o kahit anong kwentong Buwan ng Wika?

I-share mo na sa The POST at baka ikaw na ang tanghaling Student Contributor of the Month at manalo ng exclusive merchandise mula sa The POST at iba pang sponsored items!

Ang Agosto ay Buwan ng Wika. Kadalasan, ipinagdiriwang ito sa mga eskuwelahan sa pamamagitan ng iba’t ibang programa at patimpalak na sinasalihan ng mga estudyante, pati na rin ng mga guro at magulang.

Pero ngayong may pandemya, wala nang sabayang pagbigkas, deklarasyon, at iba pang programang pinapanood mo. Wala na rin ang mga pa-kontest na lagi mong sinasalihan.

Pero don’t worry, ang buwan ng wika ay hindi mapapawalang-saysay dahil pwede mo parin ito i-celebrate sa The POST.

Tara! Ipadala mo sa amin ang Buwan ng Wika story mo.

MEKANIKS:

I.

Ang mga sasali ay dapat naka-register na sa Student Portal.

Sila rin ay dapat miyembro ng The POST Community Facebook Group. (Makakatanggap ng email invitation mula sa The POST upang sumali sa aming exclusive Facebook Group)

II.

Ang akda ay maaaring sanaysay o personal essay at dapat nasa wikang Filipino na hindi bababa sa 500 salita.

Ipadala sa [email protected] ang Buwan ng Wika Story mo kasama ang 2×2 photo mo. Maaari ring maglakip ng mga larawan na may kinalaman sa Buwan ng Wika Story mo.

Ilagay sa email subject:

SUBJECT: Buwan_ng_Wika_DELACRUZ_JUAN_Name_of_school

 Dalawa ang tatanghaling Student Contributor of the Month – isa sa High School Division at isa sa College Division.

DEADLINE OF SUBMISSION:                 AGOSTO 23, 2020

ANNOUNCEMENT OF WINNER:             AGOSTO 29, 2020