Bulletin Board

DUMALO AT MAGPADALO SA EDSA@35: KABATAAN AT KALAYAAN SA GITNA NG DIKTADURYA

Gugunitain ng Dibisyon ng Kasaysayan, Departamento ng Agham Panlipunan, Kolehiyo ng Arte at Agham, Unibersidad ng Pilipinas Los Banos ang mga pangyayari sa EDSA People Power matapos ang 35 taon sa pamamagitan ng isang libreng webinar sa Pebrero 25, 2:00 n.h., via Facebook Live.

/ 14 February 2021

“Sa panahong pinatitindi pa ang pagbabaluktot sa naratibo tungkol sa EDSA People Power, marapat lang balikan ang mga sirkumstansiya na nagbunsod sa nasabing mga pangyayari mula Pebrero 22-25, 1986. Marapat din na muling bisitahin ang papel ng mga kabataan (partikular ng mga estudyante) sa pagtataguyod ng mga karapatan ng mga tao sa gitna ng mga makinasyon ng isang gobyernong naging diktadurya. Bago pa man ipataw ang Prklamasyon Blg 1081, aktibo ang mga samangang estudyante sa mga pagpapahayag, demonstrasyon, at gawaing pansibiko sa gitna ng tumitindi noong tensiyon at deskontento sa gobyerno ni Ferdinand Marcos,” pambungad na paliwanag ng Dibisyon ng Kasaysayan – UPLB.

Iikot ang webinar sa naging papel ng mga kabataan upang mapalaya ang bayan sa kamay ng Diktaduryang Marcos. Itatampok nito si Kat. Prop. Ruben Jeffrey Asuncion, propesor ng Kasaysayan sa UPLB at ang kaniyang masteradong tesis na pinamagatang ‘Kasaysayan ng mga Samahang Kabataan, 1934-1978’.

Iuugnay ni Asuncion ang People Power sa naging papel ng mga kabataan para ipaglaban ang kalayaan sa gitna ng diktadurya. Partikular niyang tatalakayin ang partisipasyon ng mga kabataan sa mga politikal na pagkilos bago at matapos ang Batas Militar, hanggang sa mga nalalabing taon ng ibinabanderang ‘ikaapat na republika’.

Ihahambing din sa webinar ang mga hakbangin ng mga kabataang kritikal sa diktadurya sa mga kabataang nakilahok sa gawain at ideyal ng ‘Bagong Lipunan’.

Libre at bukas para sa lahat ang webinar. Maaaring magpatala sa bit.ly/EDSA35UPLBDSS para makakuha ng e-sertipiko sa Pebrero 25.

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang https://www.facebook.com/events/1347383282326729/.

Ang Dibisyon ng Kasaysayan ay pinangungunahan ni Dr. Gilbert Macarandang.