LESSON STATION ITINAYO SA SULTAN KUDARAT
ISANG lesson station ang itinayo sa isang eskwelahan sa Sultan Kudarat upang mapadali ang pag-download ng mga lesson ng mga mag-aaral.
Ang lesson station ay ginawang mala-drive thru booth ng Emmanuel National High School sa Tacurong City, Sultan Kudarat.
Ang nasabing lesson station ay isang stopover kung saan maaaring ma-download ng mga estudyante ang kanilang mga leksiyon sa klase.
Sa isang Facebook post ni Luck Billano, guro sa naturang paaralan, mas madali ito at mas ligtas sa banta ng Covid19 dahil hindi na kailangan pang makipaghalubilo.
“Na-download mo na ang leksyon mo, nakaiwas ka pa sa banta ng virus dahil hindi mo na kailangan pang makihalubilo sa ibang tao,” sabi niya.
Samantala, ikinagalak ng mga estudyante ang programang ito dahil mapadali ang pagkuha nila ng mga aralin.
Mayroon ding libreng wifi sa eskwelahan na maaaring gamitin ng mga estudyante.