Nation

DALAWANG ESTUDYANTE MAGHIHIRAMAN NG MODULES SA SECOND QUARTER

/ 22 November 2020

KINUMPIRMA ni Senadora Pia Cayetano na hindi na magiging one is to one ang self-learning modules sa mga estudyante sa ikalawang quarter ng school year 2020-2021.

Sa deliberasyon ng panukalang budget, sinabi ni Cayetano na batay sa paglalatag ng pondo ng Department of Education para sa susunod na taon, maghihiraman ang dalawang estudyante sa mga module.

“For the first quarter the ratio is 1:1 but in the succeeding quarters it would be 1:2. What will happen is the modules will be returned, they will be disinfected and then they will be shared with the next student,” pahayag ni Cayetano, sponsor ng budget ng DepEd.

“They are making the best use of the available funding that they have and what it will fit is the 1:2 ratio,” dagdag pa ng senadora.

Ang first quarter sa mga pampublikong paaralan ay magtatapos sa November 28 habang ang second quarter ay mula December 1 hanggang February 6, 2021.

Sa pagtatanong naman ni Senador Kiko Pangilinan, tiniyak ni Cayetano na batay na rin sa pahayag ng DepEd, sasapat ang P16.6 billion na pondo para sa development, reproduction, at delivery ng learning modules para sa 1:2 ratio sa 2021.

“With the current budget, they can sustain 1:2 until the end of the school year and if there are bidders that would come in at better prices then they will be able to improve that,” dagdag ni Cayetano.

Ipinaalala naman ni Pangilinan na mayroon pang P5 billion para sa modules sa ilalim ng unprogrammed fund.