Nation

ACADEMIC BREAK ‘DI MAKATUTULONG — SENADOR

/ 20 November 2020

HINDI nakikita ni Senador Sherwin Gatchalian na makatutulong sa pagsusulong ng dekalidad na edukasyon ang pagpapatupad ng academic break.

“I do not see how an academic freeze will help in our aspiration to continue education and mitigate risks associated with prolonged school closures,” pahayag ni Gatchalian sa harap ng umiigting na panawagan para sa academic break dahil sa sunod-sunod na kalamidad sa gitna ng Covid19 pandemic.

Ipinaalala ni Gatchalian na bago pa ang pagbubukas ng klase, ibinabala na niya ang long-term effects ng academic freeze.

“Prior to the opening of classes when some groups were calling for an academic freeze due to the Covid19 pandemic, I have already warned about its long-term effects such as increased learning losses, inequalities, and exposure to violence, child labor, and teenage pregnancy among others—all of which were observed in crises such as the Ebola oubtreak in Africa and Typhoon Yolanda in our own country,” dagdag ng mambabatas.

Iginiit ng senador na ito ang dahilan kung bakit patuloy ang pagsisikap na maituloy ang edukasyon sa kabila ng mga pagsubok.

Binigyang-diin din ng mambabatas na nasa kamay na ng mga lokal na pamahalaan ang pagdedekalra ng suspensiyon ng klase sa gitna ng sunod-sunod na kalamidad.

Ipinaliwanag ni Gatchalian na ang mga lokal na pamahalaan ang magsasagawa ng assessment sa epekto ng kalamidad sa kanilang mga lugar at sila rin ang nakaaalam kung dapat magpapatupad ng class suspension.