HAZING SA GITNA NG PANDEMYA KINONDENA NG SENADOR
BINATIKOS ni Senador Sherwin Gatchalian ang pinakabagong insidente ng hazing sa Zamboanga City na ikinasawi ng isang senior high school student.
Sinabi ni Gatchalian na ang insidente ng pagpatay sa pamamagitan ng hazing kay Joselito Enviado, 21, ay isang paalala na nagpapatuloy ang hazing sa bansa habang may mga fraternal brotherhood pa ring patuloy na nambubuyo sa kabataan.
“It is even more appalling that this cruel and barbaric act should take place in the middle of a pandemic. I denounce in the strongest terms this heinous act that prematurely ended the dreams of a young man and his family. I would like to extend my condolences to the bereaved family and the members of his community,” pahayag ni Gatchalian.
Sa huling ulat, 12 sa 18 miyembro ng Tau Gamma Phi Triskelion-San Jose Gusu Chapter ang nasakote habang patuloy ang pagtugis sa anim pang suspek.
Binigyang-diin ni Gatchalian na ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Republic Act No.11053 o Anti-Hazing Act of 2018 ay dapat magsilbing babala sa iba pang miyembro ng fraternity.
“Because the hazing incident resulted in someone’s death, the penalty of reclusion perpetua and a fine of three million pesos are now hanging on the heads of these fraternity members,” diin ni Gatchalian.
“Dapat maging malinaw ang mensahe natin sa mga sangkot sa krimeng ito at sa mga nagbabalak gawin ito: hindi natin palalampasin ang paglabag sa batas at sisiguraduhin nating mapapanagot sila,” dagdag pa ng senador.