Nation

TULOY-TULOY NA EDUKASYON NG MGA PULIS TIYAKIN – SOTTO

/ 18 November 2020

PINATITIYAK ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III sa Department of the Interior and Local Government ang tuloy-tuloy na edukasyon ng mga miyembro ng Philippine National Police.

Sa budget deliberations sa Senado, iginiit ni Sotto na dapat matiyak na may budget ang PNP para sa tuloy-tuloy na training at refresher courses sa PNP personnel upang palagiang naipapaalaala sa mga pulis ang kanilang protocol sa pagpapatupad ng batas.

“There is no budget for continuing education for PNP personnel? It is not just about their studies, it’s for training, refresher education programs that is what I am looking for. If there is none, we should probably discuss it,” pahayag ni Sotto sa deliberasyon.

Binigyang-diin pa ni Sotto na nababahala siya sa ilang insidente na kanyang nasaksihan na tila hindi nasusunod ng mga tauhan ng PNP ang tamang protocols para sa kanilang sariling kaligtasan.

“I am very much concerned and I am disturbed, I was disturbed by the conduct of some PNP personnel that I saw in a social media clip, video clip. I am indeed disturbed by the procedure that was done,” dagdag ni Sotto.

Inihalimbawa ng senador ang insidente ng pamamaril at pagpatay sa isang tauhan ng PNP-Highway Patrol  Group sa Dalahican, Cavite makarang parahin ang isang SUV dahil sa kawalan ng plaka at conduction sticker at pagtanggi ng driver na ibigay ang kanyang lisensya o anumang identification card.

Ipinakita pa ni Sotto sa hearing ang video footage kung saan matapos sitahin ang mga sakay ng isang SUV ay pinagsaraduhan pa ng bintana ang mga kagawad ng PNP-HPG.

Nang muling katukin ang sasakyan ay pinaulanan na ng bala ng driver ang kagawad ng PNP-HPG.

“The reason I am looking for some refresher course,  there were protocols that should have been followed. I understand the point dapat daw magalang ang mga pulis natin. Okay ang maging magalang mabuti nga ‘yun,” diin ni Sotto.

“Walang plate number, walang conduction sticker, ayaw magbigay ng lisensya, ayaw magbigay ng ID, dapat dun arestado agad.  Sa Amerika iyan step out of the vehicle at tututukan. Anti-carnapping kayo paglapit dun nakahawak dapat kayo (sa baril n’yo),” dagdag pa ng senador.

“Dito sa atin sumusobra bait natin. Kung minsan, okay ang magalang, mabait ka pero kung kriminal ang kaharap mo, hindi puwedeng mabait, dapat ‘yun under arrest na agad,” dagdag pa niya.