CHILD MARRIAGE BILANG ISANG KRIMEN APRUB NA SA SENADO
PASADO na sa 3rd and final reading ang panukala para sa pagdedeklara sa child marriage bilang isang public crime at patawan ng parusa ang mga magsasagawa nito.
PASADO na sa 3rd and final reading ang panukala para sa pagdedeklara sa child marriage bilang isang public crime at patawan ng parusa ang mga magsasagawa nito.
Sa botong 21-0-0, inaprubahan na ng Senado ang Senate Bill 1373 o ang An Act Protecting Children by Prohibiting and Declaring Child Marriage as Illegal and Providing Programs and Penalties therefore.
Ang panukala ay inihain ni Senador Risa Hontiveros sa layong protektahan ang kabataan sa pamamagitan ng pagbabawal sa child marriage at pagbalangkas ng mga programa laban dito.
Sa kanyang manifestation matapos ang botohan, nagpasalamat si Hontiveros sa suporta ng mga kapwa senador.
“The issue of child, early and forced marriages is one that is largely invisible to us here in Metro Manila, but it is a tragic reality for scores of young girls who are forced by economic circumstances and cultural expectations to shelve their own dreams. begin families they are not ready for, and raise children even when their own childhoods have not yet ended,” pahayag ni Hontiveros.
Iginiit ng senadora na sa gitna ng pag-aapruba sa panukala, nabibigyan ng pagkakataon ang kabataang babae na maiplano nang maayos ang kanilang kinabukasan.
“We defend their right to declare when they are ready to begin their families. We tell them their health matters to us, their education matters to us. We give them a fighting shot,” dagdag pa ng senadora.
Batay sa panukala, ang child marriage ay maituturing na child abuse dahil lumalabag ito sa Special Protection of Children.
Saklaw ng panukala ang civil o church weddings o anumang kinikilala sa ibang tradisyon, kultura at custom.
Kung maisasabatas ang panukala, ang sinumang masasangkot sa child marriage ay papatawan ng parusang pagkabilanggo ng anim na buwan hanggang anim na taon o prision mayor at multang hindi bababa sa P40,000.
Kung ang mag-aayos ng kasal ay kaanak ng bata, ang parusa ay aabot sa 12 taong pagkabilanggo at multa na hindi bababa sa P50,000 bukod pa sa tatanggalan ng parental authority.
Ang mga public officer naman na mangunguna sa child marriage ay papatawan ng perpertual disqualification sa public office bukod pa sa pagkakulong at multa.
Kasama rin sa author ng panukala sina Senate President Vicente Sotto III, Majority Leader Migz Zubiri, Minority Leader Franklin Drilon, Senators Leila de Lima, Joel Villanueva, Imee Marcos, Sonny Angara, at Kiko Pangilinan.