Nation

SCHOLARSHIP PARA SA NUCLEAR SCIENCE AT NUCLEAR ENGINEERING COURSES ISINUSULONG

/ 8 November 2020

SA LAYUNING maraming kabataan ang mahikayat na kumuha ng kursong Nuclear Science at Nuclear Engineering, isinusulong ni Cavite 8th District Rep. Abraham Tolentino ang pagbibigay ng scholarship para rito.

Sa House Bill 3176 o ang proposed Nuclear Science and Nuclear Engineering Scholarship Act, ipinaalala ni Tolentino na mahalaga ang science and technology sa development at advancement ng isang bansa.

“Nuclear Science and Technology promotes sustainable development through varied applications such as medicine, food preservation and safety, scientific research and generation electricity,” pahayag ni Tolentino sa kanyang explanatory note.

Ipinaliwanag pa ng kongresista na maging ang ibang bansa tulad ng France, Russia at United States of America ay gumagamit ng nuclear power plants.

Idinagdag pa niya na ang Filipinas lamang ang miyembro ng Association of South East Asian Nations na may nuclear power plant na nasa Morong, Bataan.

Batay sa panukala, bubuo ang gobyerno, sa pangunguna ng Department of Science and Technology, ng National Scholarship Program for Studies in Nuclear Science and Nuclear Engineering.

Ipatutupad ang programa sa loob ng apat na taon at saka magsasagawa ng evaluation para matukoy ang effectivity nito.

Bukod sa scholarship, ipinapanukala rin ang pagbibigay ng iba pang grants o incentives sa mga kuwalipikadong estudyante.