HIWALAY NA SCHOOLS DIVISION OFFICE IPINATATAYO SA ZAMBOANGA SIBUGAY
ISINUSULONG ni Zamboanga Sibugay 1st District Rep. Wilter Wee Palma II ang pagtatayo ng hiwalay na schools division office sa kanilang lalawigan.
Sa kanyang House Bill 3019, binigyang-diin ni Palma na mahalaga ang papel ng mga lokal na pamahalaan sa pagtutulak ng dekalidad na edukasyon.
Dahil dito, sinabi ni Palma na ang schools division office ang magsisilbing tulay ng local communities sa local government para maisulong ang mga programa para sa eduksyon.
Ipinaliwanag ng kongresista na may 3,000 guro sa 1st District ng Zamboanga Sibugay province na kinakailangang mag-report sa school division office.
“This number is far cry from the proposed 750 teachers per school division ratio as cited by the Department of Education and may directly affect not only the district’s capabilities but also the provincial capabilities to deliver both efficient and effective academic performance amongst its schools,” pahayag ng kongresista sa kanyang explanatory note.
Dahil dito, nais ni Palma na magkaron din ng hiwalay na school division sa kanilang distrito na itatayo sa munisipalidad ng Diplahan.
“At its very core, the district school division office will serve as the main pillar that would provide support for school operations while addressing the inherent structural problems within the school level,” paliwanag pa ni Palma.