Nation

UMABOT SA 8,000 ESTUDYANTE NA-RECRUIT NG NPA SA LOOB NG TATLONG TAON — EX-REBEL

/ 5 November 2020

TINATAYANG nasa 8,000 mag-aaral ang na-recruit ng Community Party of the Philippines – New People’s Army – National Democratic Front simula 2016 hanggang 2019, ayon sa isang dating rebelde.

Sa pagdinig ng Senado sa isyu ng red-tagging, sinabi ni Jeffrey Celiz, alyas Ka Eric, na, “In the last three years, 2016 hanggang 2019, more than 8,000 na kabataan ang na-recruit nila from the document mismo ni Vic Ladlad (dating NDF consultant na nakulong dahil sa illegal possession of firearms). Nakuha ito at ang karamihan ay senior high school [students], which means 16 to 17 years old.”

“Proud na proud sila that they were able to recruit in three years ng walong libong kabataan, muli, in the underground movement, at mostly senior high school from PUP, UST, FEU,” dagdag pa niya.

Pinangalanan pa niya ang ilang naglalakihang pangalan sa larangan ng politika na nakasama niya umano sa komunistang samahan. Una sa listahan si dating Bayan Muna Rep. Teddy Casino na aniya’y ‘high-ranking leader’ ng CPP-NPA-NDF.

Kaagad naman siyang sinalig  ni Casino.

“Celiz presents no proof or evidence of the accusations he makes against me, other than his and his military handlers’ belief that because I am a prominent activist, then I must also be a high-ranking leader of the CPP-NPA-NDF,” depensa ng kongresista.

Sa pahayag din ni Celiz, sinabi niyang siya ay na-recruit habang nag-aaral sa West Visayas State University noong 1991.

Siya ay naitalaga pa umano sa NPA National Operations Command kaya ang mga sinasabi niya ay mayroon umanong basehan.

As of posting time ay sinisikap ng The POST na makuha ang panig ng Polytechnic University of the Philippines, University of Santo Tomas, Far Eastern University, at WVSU ukol sa mga akusasyon ni Celiz.