NON-TEACHING STAFF SA DEPED: 2018 at 2019 CNA INCENTIVES BAYARAN NA!
MULING nanawagan ang grupo ng mga non-teaching personnel sa Department of Education na resolbahin na ang mga hindi pa nababayarang collective negotiation agreement incentives para sa mga non-academic staff ng ahensiya.
Ayon kay Atty. Domingo Alidon, pangulo ng Department of Education-National Employees’ Union, hinihikayat nila ang pamunuan ng DepEd na bayaran ang kanilang 2018 at 2019 CNA incentives.
“Up to now hindi pa tayo nababayaran niyan, at sa katunayan may mga sulat tayo na bayaran na tayo,” sabi ni Alidon.
Sinabi niya na sumulat sila sa pamunuan ng ahensiya upang ng aksiyunan kaagad ang isyung ito.
“We have already requested the management to have a virtual meeting so that we can resolve issues and concerns sorrounding the 2018 and 2019 CNA incentives,” sabi ni Alidon.
“I have already called the attention of the management that the time is fast approaching for the deadline on November 15, so that we can submit our savings to be obligated for the payment of the CNA incentives for the 2019… so that we cannot be technically disqualified to receive the incentives,” dagdag pa niya.
Ang CNA ay isang kontrata sa pagitan ng DepEd management at ng DepEd-NEU kung saan ito ay naglalaman ng mga kapakanan at benepisyo na matatanggap ng bawat empleyado.
Isa sa mga economic benefit mula sa CNA ay ang bawat empleyado ay makatatanggap ng taunang cash incentive na P6,000 hanggang P7,000. Ilan sa mga non-economic benefit nito ay official business o meetings sa loob at labas ng bansa.