Nation

SPECIAL HOUSING PROGRAM SA MGA TITSER ISINUSULONG SA KONGRESO

MARAMI sa mga pampublikong guro ang hindi makayanan na makabili ng sariling bahay dahil sa financial limitations.

/ 3 November 2020

MARAMI sa mga pampublikong guro ang hindi makayanan na makabili ng sariling bahay dahil sa financial limitations.

Ito ang binigyang-diin ni Quezon City 5th District Rep. Alfred Vargas sa pagsusulong ng panukala para sa pagkakaroon ng special housing program para sa mga guro sa mga pampublikong paaralan.

Sa pagsusulong ng House Bill 613 o ang proposed Teacher’s Housing Program, ipinaalala ni Vargas na ang edukasyon ang isa sa pinakamagandang investments ng bansa at maisusulong ang dekalidad na edukasyon kung may magagaling na mga gurong gagabay sa mga estudyante.

“Teaching is the profession that creates all other professions. Their influence and knowledge shape the lives of their students and hone them to become productive members of society. But while teachers are genuinely fulfilled in their practice, they also struggle with the financial limitations of their career,” pahayag ni Vargas sa kanyang explanatory note.

Batay sa panukala, mandato ng government housing at financing agencies na gumawa ng special housing projects at magkaroon ng pondo para sa mga guro.

Magbibigay rin ng fiscal incentives para sa private sector developers na makikiisa sa pagbuo at implementasyon ng teachers’ housing program.

“Quality education creates jobs, breaks the cycle of poverty, and helps us achieve national development. A great nation requires a highly competitive education system, which in turn requires world class and passionate teachers,” dagdag ng kongresista.

Binigyang-diin ng mambabatas na sa pamamagitan ng programa, matutulungan ang mga Filipino educator na iangat ang kanilang antas ng pamumuhay at mapalakas ang kanilang morale at self-esteem.

Idinagdag pa ni Vargas na maaaring solusyon ito para mapigilan ang mga competent teacher na umalis ng bansa at magtrabaho sa ibayong dagat.