PARTY-LIST REP. ELAGO ABSUWELTO SA PAGKAWALA NG ILANG KABATAAN
PINAWALANG-SALA ng Department of Justice si Kabataan Partylist Rep. Sarah Jane Elago, kasama si Atty. Neri Colmenares at iba pang youth leaders sa kasong may kaugnayan sa pagkawala ng ilang kabataan.
Sa 12-pahinang resolusyon, ibinasura ng DOJ ang mga kasong kidnapping at paglabag sa Republic Act No. 9851, o ang Philippine Act on Crimes Against International Humanitarian Law, Genocide, and Oher Crimes Against Humanity dahil sa kawalan ng ‘probable cause’ at sapat na ebidensiya.
Itinuturing ng grupo na tagumpay laban sa administrasyon ang pagbasura sa kanilang kaso.
“These trumped-up cases filed by agents of Duterte’s government have once again proved to be inutile and nothing more than empty ramblings of the PNP and the AFP. They proved that the people tasked with keeping law and order know nothing about it and serve only to disrupt it to target those who exercise their democratic rights,” pahayag ng grupo.
Tiniyak naman ni Elago na hindi sila titigil sa pakikipaglaban hanggang sa mapanagot ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict sa pagpapakalat ng tinawag nilang peke at malisyosong mga akusasyon.
Noong Setyembre 18, una nang ibinasura ng Korte Suprema ang petitions for writ of amparo at writ of habeas corpus laban sa Kabataan Partylist Group at Anakbayan Group.