Nation

406 PNPA CADETS NAGSIMULA NANG MAGSANAY

/ 2 May 2026

NAGSIMULA nang magsanay ang 406 kadete maapos tanggapin sa Philippine National Police Academy bilang bahagi ng Class 2030.
Binubuo ng 317 kalalakihan at 89 kababaihan, sabay-sabay silang humarap sa hamon ng pagiging isang cadet candidate sa isinagawang orientation program.
Ito ang unang hakbang sa kanilang paglalakbay patungo sa pagiging ganap na alagad ng batas.
Ayon sa pamunuan ng PNPA, hindi magiging madali ang kanilang tatahakin.
Bukod sa matinding pisikal na pagsasanay, haharap din sila sa mahigpit na akademikong paghubog at paglinang ng disiplina, karakter, at moralidad.
Bukod sa matinding pisikal na pagsasanay, haharap din sila sa mahigpit na akademikong paghubog at paglinang ng disiplina, karakter, at moralidad.
Nagpaabot naman ng mensahe si PNP Chief Police General Jose Melencio C. Nartatez Jr., na pinuri ang tapang at dedikasyon ng mga kabataan sa pagpili ng ganitong landas.
“Hindi madali ang inyong pinasok, pero ito ay marangal. Kailangan dito ang sakripisyo, disiplina, at pusong handang maglingkod,” ani Nartatez.
Dagdag pa niya, inaasahan ng organisasyon na ang mga bagong kadete ay magiging huwaran ng integridad at malasakit sa mamamayan sa hinaharap.
Sa pagsisimula ng kanilang training, muling iginiit ng PNP ang kanilang layunin na makabuo ng mga pulis na tapat, mabilis kumilos, at tunay na naglilingkod sa bayan.