Nation

BAGONG HANDWASHING FACILITY SA MAKATI HIGH SCHOOL IPINATAYO NG MASHAV-ISRAEL

/ 23 October 2020

BILANG pakikiisa sa Oplan Balik-Eskuwela at Brigada Eskuwela ng Department of Education, ang Israel’s Agency for International Development Cooperation o MASHAV, sa pakikiisa ng Embahada ng Israel sa Filipinas, ay nagpatayo ng isang handwashing facility sa Makati High School.

Ayon kay Israel Ambassador Rafael Harpaz, ang naturang pasilidad ay para sa mga mag-aaral, guro, at staff ng Makati HS na kinakailangang bumisita sa paaralan kahit na may Covid19. Nais niyang magsilbi itong paalala na ugaliin ang tama at maayos na paghuhugas ng kamay para mapigilan ang mabilis na pagkalat ng virus.

Gayundin, may  malaking pagtatangi ang pamahalaan ng Israel sa edukasyon, at ang lahat ng kanilang tulong, hanggang maaari, ay para sa ikauunlad ng sektor ng edukasyon sa bansa.

“We value health and education, that’s why we decided to build this handwashing facility. Students and faculty members can use this to wash their hands once the schools reopen,” dagdag ni Harpaz.

Dumalo sa turn-over ceremony sina Harpaz, MASHAV Officer Gladys Baniqued, Schools Division Superintendent Makati Carleen Sedilla, Makati HS Principal Felix Bunagan, Assistant Principal Gizelle Laud, Supreme Student Government President Kay Joy Fule, mga guro, at mga kawani ng paaralan.

Kamakailan din ay naghandog ng samu’t saring donasyon ang Israel sa DepEd tungo sa pagpapabilis ng mga gawain para sa blended at modular learning. Nagbigay rin sila ng mga personal protective equipment sa Deparment of National Defense, Philippine National, Police, at iba pang frontliners.