TAMARAWS HUMIHINGA PA
Mga laro sa Miyerkoles: (SM Mall of Asia Arena) 1:30 p.m. – AdU vs DLSU 4:30 p.m. – Ateneo vs UP
BUHAY pa ang Final Four bid ng Far Eastern University Tamaraws makaraang maungusan ang De La Salle University Green Archers, 84-83, sa UAAP Season 88 men’s basketball tournament kahapon sa Araneta Coliseum.
Isinalpak ni Kirby Mongcopa ang go-ahead layup mula sa perpektong pasa ni Janrey Pasaol, may 26.2 segundo sa orasan, para sa 84-83 kalamangan. Matatag namang nagdepensa ang FEU sa huling sandali upang pigilan ang anumang comeback ng Green Archers.
Umakyat sa 5-7 ang FEU, habang bumagsak sa 6-5 ang La Salle, na nananatili sa No. 4 spot sa standings ngunit unti-unting nahahabol ng Tamaraws.
“We are super grateful to just be in this stage and be able to be in this place. We also wanna say La Salle is a championship team and when I left the house today, I kept saying to myself we have to beat one of the big teams this tournament in order for us to finally arrive,” wika ni FEU head coach Sean Chambers.
Pinangunahan ni Pasaol ang FEU sa kanyang 17 puntos at 7 assists. Nag-ambag si Mo Konateh ng 14 puntos at 9 rebounds, habang lahat ng 12 puntos ni Jorick Bautista ay nanggaling sa second half. May 10 puntos at 6 rebounds naman si Jedric Daa.
“Grabe rin ‘yung preparation namin sa practice. Si Coach Sean, nakita namin sa practice na sobrang focused niya and ‘yung galit niya sa amin pinapakita niya sa amin na kaya namin. Binigay lang namin ang best namin,” sabi ni Mongcopa, na nagtala ng 10 puntos, 10 rebounds, 7 assists, 1 steal, at 1 block.
Kailangang walisin ng FEU ang natitira nitong dalawang laro—laban sa University of the East Red Warriors sa Sabado at University of Santo Tomas Growling Tigers sa Nob. 26—upang manatiling may tsansang makapasok sa Final Four.
Nanguna si Earl Abadam para sa La Salle na may 18 puntos, habang may tig-14 sina Jan Macalalag at Michael Phillips, na kumalawit din ng 19 rebounds. Nag-ambag sina Luis Pablo at Jacob Cortez ng 11 at 10 puntos, ayon sa pagkakasunod.
Sa ikalawang laro, lumapit sa ikalawang twice-to-beat incentive ang nagdedepensang University of the Philippines Fighting Maroons matapos ang 70-65 panalo sa Adamson University Falcons.
Bumida sinabFrancis Nnoruka at Gerry Abadiano sa kanilang tig-16 puntos para sa Fighting Maroons, na bumawi mula sa first round loss sa Falcons.
Iskor:
Unang laro:
FEU (84) – Pasaol 17, Konateh 14, Bautista 12, Mongcopa 10, Daa 10, Felipe 9, Montemayor 7, Owens 5, Ona 0, Jones 0.
DLSU (83) – Abadam 18, Macalalag 14, Phillips 14, Pablo 11, Cortez 10, Nwankwo 4, Gollena 4, Dungo 4, Quines 2, Melencio 2.
Quarterscores: 16-19, 46-36, 67-64, 84-83.
Ikalawang laro
UP (70) – Nnrouka 16, Abadiano 16, Alarcon 8, Stevens 7, Torres 7, Fortea 5, Remogat 4, Bayla 4, Yñiguez 3, Alter 0, Belmonte 0, Palanca 0.
AdU (65) – Torres 23, Erolon 19, Manzano 8, Montebon 8, Fransman 7, Anabo 0, Medina 0, Ojarikre 0, Perez 0, Tumaneng 0, A. Ronzone 0, C. Ronzone 0.
Quarterscores: 20-8, 36-27, 50-44, 70-65.