PRIVATE SCHOOLS TUTULUNGAN NG CHED SA INTERNET CONNECTION
TUTULUNGAN ng Commission on Higher Education ang mga private school, lalong-lalo na yaong mga maliliit, na magkaroon ng internet connectivity para sa kanilang online learning.
“We decided the CHED will also give grants to private schools para sa connectivity kasi ‘yan ang problema ng maraming private schools eh,” sabi ni CHED Chair Prospero de Vera III sa panayam ng The POST.
“They cannot afford the learning management system. They don’t have the connectivity, so Commission en banc decided, I think two meetings ago, that for the funds of CHED we will start giving grants also to private universities for the internet connectivity purposes,” dagdag pa ng kalihim.
Sinabi rin ni De Vera na hindi muna nila i-evaluate ang mga degree program ng mga pribadong unibersidad na pansamatalang hindi nagbukas ng klase ngayong taon dahil sa mababang enrollment sakaling magbukas na ulit sila sa susunod na taong pampaaralan.
Paliwanag ni De Vera, hindi tulad ng dati na kapag magbubukas ng degree program ay tinitingnan muna ng CHED ang faculty profile, pasilidad ng paaralan at marami pang iba bago payagag i-offer ang nasabing degree program.
“Medyo matatagalan ‘pag susuriin pa natin ang mga ‘yun. And when they close they will layoff their teachers, ang problema lang ‘pag nag-open ulit sila kailangan nilang i-evaluate kung ang mga teacher na magtuturo have the necessary credentials,” sabi ni De Vera.
“Kasi kawawa naman itong mga school na ito if we still subject every degree program to evaluation. That means they cannot immediately open dahil they have a log time for several months, talagang malulugi sila,” dagdag pa ng kalihim.
Ayon kay De Vera, kakaunti lamang na private school ang hindi nagbukas ng klase ngayong taong pampaaralan.
“Ang opisyal na nagsabi sa CHED maliiit lang eh. I think it’s 21 or 25, hindi ko alam exact number. So, it is very small of the percentage of the total number of private schools,” dagdag pa niya.