Overtime

ATENEO INALPASAN ANG LA SALLE

6 October 2025

NALUSUTAN ng Ateneo de Manila University Blue Eagles ang matinding arangkada ng De La Salle University Green Archers upang maitakas ang 81-74 panalo sa UAAP Season 88 men’s basketball tournament kagabi sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Lamang ang Blue Eagles ng 30 points, 68-38, sa pagsisimula ng fourth quarter nang bumanat ang Green Archers ng matinding 19-0 run upang tapyasin ang deficit sa 57-68.

Nakakonekta naman ng magkasunod na baskets si Shawn Tuano upang palobohin ulit ang bentahe ng Blue Eagles sa 73-59 bago muling nangalampag ang Green Archers sa hanggang 74-79.

Gayunman, dalawang free throws ni Tuano, may 8.9 segundo ang nalalabi sa laro, ang nagpaalpas sa Blue Eagles para sa kanilang ikaapat na sunod na panalo sa parehong bilang ng laro.

Tumapos si Tuano na may 15 points, pito mula sa fourth quarter, habang may tig-15 marka rin ang one-and-done players ng Blue Eagles na sina Dom Escobar at Kymani Ladi.

Nanguna si Michael Phillips na may  17 points at 20 rebounds, habang may 13 at 10 points sina Kean Baclaan at Jacob Cortez, ayon sa pagkakasunod,  para sa Green Archers, na nahulog sa 2-2 marka.

Samantala, nakapasok sa win column ang Far Eastern University Tamaraws matapos ang 64-58 panalo kontra Adamson University Falcons. Kapwa may 1-3 kartada ang dalawang koponan.

Umangat si foreign student-athlete Mo Konateh bilang sandigan ng FEU matapos magtala ng impresibong double-double na 18 puntos, 21 rebounds, at three assists.

Malaking tulong din ang naging ambag ni Kirby Mongcopa na nagtala ng 15 puntos, 5 rebounds, at 1 steal, gayundin si Janrey Pasaol na kumamada ng 13 puntos, 6 rebounds, at 2 steals.

Bagama’t maganda ang panimula ng Falcons, hindi nila napigilan ang pag-arangkada ng Tamaraws sa third quarter na naging susi sa pagkopo ng FEU sa kontrol sa laban.

Iskor:

Unang laro

FEU (64)  – Konateh 18, Mongcopa 15, Pasaol 13, Owens 9, Daa 5, Bautista 2, Felipe 2, Macapagal 0, Ona 0, Montemayor 0, Jones 0, Bagunu 0, Salangsang 0.

Adamson (58)  – Montebon 14, Erolon 9, Anabo 8, Perez 8, Ojarikre 5, Torres 3, Manzano 3, Medina 2, Fransman 2, A. Ronzone 2, Jaymalin 2, C. Ronzone 0, Cañete 0, Barcelona 0, Demisana 0, Tumaneng 0.

Quarterscores: 16-17, 31-31, 52-45, 64-58.

Ikalawang laro

Ateneo (81) – Ladi 15, Escobar 15, Tuano 15, Lazaro 9, Espinosa 8, Espina 7, Bongo 4, Bahay 3, Adili 2, Lazo 2, L. Fjellvang 1.

DLSU (74)  – Phillips 17, Baclaan 13, Cortez 10, Gollena 7, Amos 6, Pablo 5, Dungo 5, Daep 4, Abadam 3, Gomez 2, Marasigan 2, Quines 0.

Quarterscores: 14-11, 36-19, 68-38, 81-74.