DISTANCE LEARNING SA MGA ESTUDYANTE NA TUMATAWID SA HANGING BRIDGE IKINASA
INAKSIYONAN na ng Department of Education ang paghihirap ng mga estudyante mula sa bayan ng Kayapa sa Nueva Vizcaya na nag-viral sa social media kamakailan.
Ang naturang mga estudyante ay napipilitang tumawid sa ilog sa pamamagitan ng pagdaan sa hanging bridge makapasok lamang sa kanilang paaralan.
Ayon kay DepEd Region 2 Director Dr. Benjamin Paragas, nakipag-uganayan na siya sa Schools Division Superintendent ng nasabing lalawigan upang isailalim na lamang ang mga mag-aaral sa alternative delivery mode of learning o distance learning.
Bibigyan na lamang sila ng self-learning modules at activity sheets upang hindi na makipagsapalaran sa pagtawid sa hanging bridge.
Gayunman, titiyakin din ng DepEd na matututo at makasasabay ng kaalaman ang mga mag-aaral.