ANAK NG BALLPEN VENDOR SUMMA CUM LAUDE SA PMA SIKLAB-LAYA CLASS OF 2025
KABUUANG 266 kadete ang nagtapos sa Philippine Military Academy noong Sabado, May 17, sa Fort Generak Gregorio H. del Pilar sa Baguio City.
Nanguna sa graduation rites si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kung saan bahagi ng kanyang talumpati ang payo sa mga bagong garduate na manatiling mahusay sa gitna ng lumalaking banta ng cyber warfare.
“𝘚𝘵𝘢𝘺 𝘮𝘦𝘯𝘵𝘢𝘭𝘭𝘺 𝘴𝘩𝘢𝘳𝘱 𝘢𝘮𝘪𝘥 𝘵𝘩𝘦 𝘨𝘳𝘰𝘸𝘪𝘯𝘨 𝘵𝘩𝘳𝘦𝘢𝘵 𝘰𝘧 𝘤𝘺𝘣𝘦𝘳 𝘸𝘢𝘳𝘧𝘢𝘳𝘦,” ayon kay Pangulong Marcos.
Sinabi ng Pangulo na dapat taglayin ng bagog graduates ang makabagong kakayahan at kahusayan upang labanan ang hamon sa makabagong panahon.
Ang ‘Siklab-Laya’ class, na nangangahulugan na ‘Sundalong Isinilang na Kasangga at Lakas ng Ating Bayan para sa Kalayaan’, ay kinabibilangan ng 212 lalaki at 54 babae.
Ang 137 sa kanila ay magiging bahagi ng Philippine Army (PA), 71 sa Philippine Navy (PN) at 58 sa Philippine Air Force (PAF).
Summa cum laude si Cadet First Class Jessie Ticar Jr., 23, mula sa Quezon City, at bunsong anak ng isang ballpen vendor at person with disability.
Bago.pumasok sa PMA ay kumuha si Ticar ng Bachelor of Science in Civil Engineering sa Polytechnic University of the Philippines – Manila.
Kahit wala sa pamilya niya ang pagiging militar ay nais niyang maging matagumpay bilang sundalo.
Gumawa ng kasaysayan sa PMA si.Ticar na bukod sa unang militar sa kaniyang angkan, nakamit niya ang pinakamataas na grado ng akademya.
Siya ang ika-4 na nagtapos na summa cum laude at magiging opisyal ng Philippine Army.